Wednesday, October 19, 2016

AFP naka alerto na sa bagyong Lawin

INATASAN na ni AFP chief of staff Gen. Ricardo Visaya ang lahat ng mga AFP units partikular sa Central at Northern Luzon na maging alerto na siyang tutumbukin ng super typhoon Lawin.

Bukod sa mga personnel naka standby na rin ang mga rescue team ng AFP maging ang kanilang mga mga rescue equipments.

Tiniyak ni Visaya na nakahanda ang pwersa ng militar para agad na rumesponde at magsagawa ng rescue operation kapag kinakailangan.

Sinabi ni Visaya na mahigpit din ang ginagawang koordinasyon ng AFP personnel sa mga local disaster risk reduction management council.

Naka alerto na ngayon ang buong pwersa ng Northern Luzon Command sa pamumuno ni Lt. Gen. Romeo Tanalgo.

Source: by Analy Soberano, Bombo Radyo
 

No comments:

Post a Comment