Sunday, September 27, 2020

Bayanihan sa Eskwelahan



MALITA, Davao Occidental - Patuloy ang pagpapatayo ng isang elementaryang eskwelahan na may apat na silid sa So. Malbag, Brgy. Little Baguio ng nasabing munisipyo sa pagkukusa ng Team Bautista sa pamamagitan ng BENJAMIN BAUTISTA SR FOUNDATION INC kung saan naglaan sila ng PhP 150,000.00 upang masimulan ito.

Ipinagkatiwala ng Team Bautista ang nasabing pera sa 73rd Infantry Battalion upang maisagawa ang Kinder, Grade 1 hanggang Grade 3 na silid-paaralan.

Layunin nitong magkaroon ng maayos na edukasyon ang mga kabataan. Kasama rin sa itinayo ang isang silid para sa tirahan ng mga guro na galing sa malayong lugar.


"Sa pamamagitan nito nagkaroon ng hanap-buhay ang mga kalalakihan. Nakakarating na ang serbisyo ng gobyerno kahit sa kabundukan na siyang taliwas sa propaganda ng mga mapaglinlang na mga rebelde," saad ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, ang Kumander ng 73IB.

Pansin ang bayanihan sa naturang komunidad sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa ng mga mamamayan magkaroon lamang ng maayos na edukasyon ang mga kabataan.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment