Tuesday, September 8, 2020

Congressional Office ng Sarangani Province namigay ng kagamitan at food packs



MALAPATAN, Sarangani Province - Namigay ng food packs at mga kagamitan ang Congressional Office ng Sarangani Province sa pakikipagtulungan sa 73rd Infantry Battalion upang ipaabot sa mga Peoples Organization kahapon Setyembre 7, 2020 sa Brgy Mabuhay, General Santos City.

Sa pamumuno ni Cong. Rogelio Pacquiao sa kanyang Ronda Probinsya alang Kalinaw Program, 24 na sakong mga bigas, 12 kahon ng chick loaves, 10 na toilet bowls, 1 rolyo ng hose para sa patubig, mga gamit pangsaka, buto ng mga gulay at mga gamit pangkarpintero ang ipapaabot sa mga iba't ibang mga asosasyon na itinatag sa nasabing bayan.

Layunin ng programa na tulungan ang mga dating rebelde at mga komunidad sa malalayong lugar na hindi maabot ng serbisyo ng gobyerno upang tapusin ang kahirapan at rekyutment ng masasamang rebelde na ang nais ay kaguluhan lamang.


Sa panayam na isinagawa sa kumander ng 73IB na si Lt. Col. Ronaldo G Valdez, nais niyang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa nasabing opisina sa mga ibinahaging mga kagamitan.

"Ito ang tinatawag na 'sustainment stage.' Ang mga kasundaluhan ay hindi magtatagal sa isang lugar, kung kaya't ang lokal na pamahalaan ang magpapatuloy at magpapalago sa mga asosasyon na ito upang mawakas ang kahirapan sa mga tinatawag nating "Geographically Isolated and Disadvantages Areas (GIDAS)," kanyang dagdag.

Napag-alaman na noong Agosto 7 ang paglunsad ng programang Ronda Probinsya na kung saan 53 na mga dating rebelde ang binigyan ng tulong pinansiyal at food packs ng nasabing kongreso.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment