Wednesday, September 9, 2020

Dating rebelde nakatanggap ng PhP90,000 sa probinsya ng Davao Occidental



MALITA, Davao Occidental - Nakatanggap ng tulong pang-pinansiyal ang mga dating rebelde ng New People's Army (NPA) bilang parte ng kanilang pangkabuhayan na ginanap sa Provincial Treasurer's Office (PTO) kahapon, Setyembre 8, 2020.

Siyam (9) na mga dating rebelde na sumuko sa nasabing bayan ang nabigyan ng tig-sampung libo (PhP 10,000.00) bawat isa. Layunin ng probinsya na mabigyan sila ng puhunan sa kanilang pagbabagong buhay bilang parte ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). 


Ang aktibidades ay dinaluhan nina Cecille Gretchen Nawal, Provincial Treasurer, Juneber Roma, ECLIP Focal, at Djamyla Caballero, MLGOO. 

Pahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, kumander ng 73IB na nirepresentahan ni Lt Jessie Hinampas, CMO Officer ang kanyang pasasalamat sa probinsya sa pagpapahalaga sa mga dating rebelde na mabigyan ng tulong. "Ito ang dahilan kung bakit wala nang mga rebelde sa bayan ng Davao Occidental. Dahil ito sa walang sawang tulong na ibinibigay ng probinsya," kanyang dagdag.


Sa susunod na linggo, 10 naman na mga dating rebelde naman mula sa bayan ng Jose Abad Santos ang makakatangap ng tulong pang-pinansiyal ng probinsya.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment