Wednesday, September 30, 2020

KMFA itinatag, kabataan nakipagtulungan



MALITA, Davao Occidental - Itinatag lang kamakailan ng 73rd Infantry Battalion ang Kikog Mabuaya Farmers Association na matatagpuan sa So Kikog, Brgy. Culaman, Jose Abad Santos (JAS), Davao Occidental.

Sa pangunguna ni 2Lt Glenberth Diesta, Platun Lider, kasama ang kasundaluhan ng Bravo Company, 73IB, 10ID, PA, at mga miyembro ng nasabing asosasyon, magkakasama nilang inayos ang pagtataniman ng mga gulay para sa kanilang pangkabuhayan.


Pansin ang ngiti ng mga kabataan sa pagkikipagtulungan.

"Malipayon kami sa kini nga higayon nga adunay usa ka produktibong adlaw. Tungod niini, mahimo natong matabangan ang among bana nga makakwarta," sabi ni Rowena, miyembro ng asosasyon. (Masaya kami sa pagkakataong ito na magkaroon ng pagkakaabalahan. Dahil dito, makakatulong na kami sa aming asawa sa paghahanap-buhay.)


Nais ding iparating ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa kooperasyon na ibinibigay ng bawat mamamayan.

Para sa kaalaman ng nakakarami, ang So Kikog, Brgy Culaman, JAS, Davao Occidental ay malapit sa baseng gerilya ng mga teroristang NPA na nagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamayan dito.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment