
Nagmistulang anihan ang buwan ng Setyembre sa SOFA kung saan nakapag-ani sila ng umabot sa 97 kilos na labanos, 1 1/2 na kahon ng kamatis, 30 kilos ng petchay, 20 kilos ng sitaw, 24 kilos ng okra at ampalaya. Ibinenta naman nila ito sa Malita Public Market.
Sa panayam ng isang miyembro ng asosasyon na si Jane, "Nagpapasalamat ako ng marami dahil ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ani kami ng ganito karami. Maraming salamat 73rd Infantry Battalion," kanyang saad.

Samantala, nasabi naman ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB, na hindi lamang para sa pagkabuhayan magagamit ang gulayan na ginawa. "Maaari din nila itong gamitin sa kanilang pangkonsumo. Dahil sa pagtutulungan ng miyembro at mga kasundaluhan kaya nagkaroon ng magandang resulta ang Solidarity Farmers Association," kanyang dagdag.
Bilang karagdagan, mayroon ding pala-isdaan ang asosasyon na ibinahagi ng DA-BFAR kung saan nakatangap sila ng 38,000 na tilapia fingerlings.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment