Friday, September 18, 2020

Project TALA training para sa Brgy. Upper Suyan, Malapatan



MALAPATAN, Sarangani - Isinagawa ang pagbubukas ng Project "TESDA Alay ay Liwanag at Asenso" (TALA) sa Gymnasium ng Brgy Upper Suyan na mayroong 50 partisipante na binubuo ng IP Communities at mga dating rebelde noong Setyembre 17, 2020.

Ang Project TALA ay ang pagkakabit ng "solar-powered" na enerhiya sa mga sitio na walang pagkukuhanan ng kuryente o ilaw. Ang mga partisipante ay pawang mga mamamayan ng Sitio Lino, Matlusi, Upper Kiogam at Mahayag ng nasabing baranggay na kung saan magkakaroon sila ng training sa pagkabit at pagkumpuni ng solar panel.

Ito ay dinaluhan din ni Mr. Rafael Abrogar II, Regional Director ng TESDA Region 12, Mr. Hernan Forro, TESDA Malapatan Head, Atty. Ryan Jay Ramos, Chief Adviser ng Congressional Office ng Sarangani, Punong Barangay Boyet Ogan, at mga kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion. 


Ipinahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, 73IB Kumander, ang kanyang pasasalamat sa TESDA sa kanilang mga programa na kung saan ang kanilang prayoridad ay mga dating rebelde.

"Nasa kadiliman ang dating buhay ng mga dating rebelde dahil sa paghihirap sa kanila ng mga terorista. Dahil sa mga programang ito, unti-unti nang nagkakaroon ng ilaw ang kanilang pamumuhay," makahulugang dagdag niya.

Sa pagtatapos ng training ay bibigyan ang bawat bahay ng solar panel bilang suporta at ma-apply ang naturang training.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment