Thursday, September 17, 2020

Provincial at Municipal aid ibinahagi sa 11 na dating rebelde



JAS, Davao Occidental - Labing-isa (11) na dating ganap na kasapi ng New Peoples Army (NPA) ng nasabing munisipyo ang nakatanggap ng "provincial at municipal aid" na ginanap sa kanilang Poblacion Gymnasium ngayong hapon ng Setyembre 16, 2020.

Nagkahalaga ng PhP10,000 bawat isa ang natanggap ng 11 na dating kasapi, kabuuan ng PhP 110,000 na tulong pang-pinansiyal. Nagbigay naman ang munisipyo ng 9 na paks ng mga binhi at 8 galon ng molases upang may magamit sila sa pagtatanim bilang parte ng tinatawag na "livelihood program". Ang molases ay organikong pampataba sa mga pananim.

Bilang karagdagan, binigyan din sila ng food packs at mga medisina. "Kami sa LGU kasama ang 73rd Infantry Battalion ay abot-kamay niyo lamang lalo na't marami nang kasundaluhan sa kabundukan. Kung kaya't sa pandemyang ating tinatamasa, ang Municipal Health Office ay laging bukas upang maibsan ang inyong masamang karamdaman," saad ni Hon. Jason Joyce, Alkalde ng munisipyo.


Nais ding ipaabot ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB na nirepresentahan ni 1LT Mark Francis Gatan, Kumander ng Bravo Compnay, ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga tulong na ibinabahagi sa mga dating rebelde. "Dahil nararamdaman na ng mamamayan ang gobyerno at sa kooperasyon nila na hindi sumapi sa mapaglinlang na rebelde, nagkaroon ito ng magandang epekto. Kaunti na lamang ang hinaharap nating rebelde," dagdag ni Lt. Col. Valdez.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay namahagi din ang probinsya ng tulong pinansyal sa 9 na dating rebelde sa munisipyo ng Malita, Davao Occidental.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment