Thursday, September 10, 2020

TESDA pinangunahan ang Convergence Program, KAKILITU at MIDAPAIN Association nabenipisyohan



MALITA, Davao Occidental - Pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Convergence Program na kung saan nakinabang ang KAKILITU at MIDAPAIN Association sa aktibidad kaninang umaga ng Setyembre 9, 2020 sa Gymnasium ng Brgy. Pangaleon ng nasabing munisipalidad.

Upang suportahan ang Executive No. 70 ni Pangulong Duterte, ang TESDA na pinamunuan ni Engr. Alfred Panuela, Provincial Director, ay naglunsad ng kanilang pagsasanay sa Agricrop at Fruit Production sa pakikipagtulungan sa Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster sa pamamagitan ng Flagship Program ng Opisina ni Congresswoman Lorna Bautista-Bandigan.


Ang mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Department of Agriculture (DA), at Department of Agrarian Reform (DAR) ay lumahok sa aktibidad.

Bukod dito, ang KAKILITU SLP Association at MIDAPAIN SLP Association ay nakatanggap ng 6,100 seedling ng Durian mula sa PENRO sa pamamagitan ng Tanggapan ng Gobernador at mga Agri-kit tulad ng 60 sprayer, 120 sako na pataba, 60 paghukay at lagarao.


Si Hon. Jade Masawil, Punong Barangay ng Pangaleon ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa pagsisikap ng mga ahensya na kalahok.

"Bagaman malayo ang aming lugar ngunit nagawa pa rin nilang maglakbay. Kung kaya't labis akong nagpapasalamat sa mga ahensya na narito lalo na ang 73rd Infantry Battalion sa paghahatid ng mga Agri-kit na magsisilbing puhunan ng mga asosasyon sa aming barangay," kanyang dagdag. 


Bilang tugon dito, ipinahayag din ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez,kumander ng 73IB, ang kanyang lubos na pasasalamat sa Opisina ng Kongreso ng Davao Occidental dahil ginawang posible ang aktibidad. Ibinahagi din niya na ito ay magiging oportunidad sa mga asosasyon para kanilang pangkabuhayan.

Naalala na noong Hulyo 24, 2020, si TESDA Sec Isidro Lapena ay bibisita sana sa nasabing barangay at ilulunsad ang nasabing pagsasanay ngunit dahil sa hindi magandang insidente, ipinagpaliban ang aktibidad at ipinagpatuloy lamang kaninang umaga.


Source: Civil-Military Operations Office 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

No comments:

Post a Comment