Wednesday, October 7, 2020

Asosasyon ng mga dating rebelde nag-ani



MALITA, Davao Occidental - Ang asosasyon ng mga dating rebelde na inorganisa ng 73rd Infantry Battalion at naging MATAKA Community Livelihood Association ay nag-ani ng mga gulay kahapon, October 8, 2020, sa Brgy Kalbay, Jose Abad Santos.

Nag-ani ang MATAKA Association ng 13 kilo ng kalabasa, 13 kilo ng kamatis, okra na 10 kilo, sitaw na 15 kilo at 8 kilo na upo at ito ay kanilang ibinenta sa Kalbay Public Market.

Sabi ni Larry, presidente ng asosasyon, "Nakatabang og dako ang kita gikan sa among giani nga mga gulay. Kini ang ipamuhunan sa Corn Mill nga pangandoy sa asosasyon." (Nakatulong ng malaki ang kita mula sa aming inaning gulay. Ito ang gagawin naming puhunan sa Corn Mill na pangarap ng asosasyon.)


Nagpasalamat rin ang isang miyembro ng asosasyon at sila ay nakasuko sapagkat hindi nila ito matatamasa kung sila ay kasama parin ng teroristang New Peoples Army (NPA) ang nais lamang ay manggulo ng tahimik na buhay.

Ibinahagi rin ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa pagtutulungan ng mga dating rebelde. "Isa silang magandang ehemplo lalo na sa mga rebeldeng sumuko sa kasundaluhan. Sa kanilang pagsuko, nagkaroon sila ng panibagong buhay at magkakaroon sila ng magandang kinabukasan," kanyang dagdag.

Para sa impormasyon ng lahat, ang mga miyembro ng MATAKA ay mga dating rebelde at residente ng Brgy Malalan, Brgy Tanuman, Brgy Kalbay ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.


Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, 10th Infantry Division, PA

No comments:

Post a Comment