
Ang Brgy Tibuloy SLP Association ay nabenipisyohan ng PhP300,000.00 na ibinigay ng DSWD bilang parte ng kanilang programang Seed Capital Fund na magsisilbing puhunan ng asosasyon.

Kasabay ng aktibidades ay nagkaroon din ng simpleng seremonya ng ground breaking ng Banana Production Project kung saan nagbigay ng punlang saging ang Department of Agriculture sa nasabing asosasyon.
Ibinahagi naman ni Hon. Remperas, Punong Barangay, ang kanyang pasasalamat sa mga ahensya sa paghatid ng serbisyo ng gobyerno.

"Sisigaruduhin namin na ang kasundaluhan ay tutulong sa mga ahensya ng gobyerno upang maihatid ang mga serbisyong katulad nito," pahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment