
Sa pagdiwang ng 23rd na Anibersaryo ng IPRA na may temang "Correcting Historical Injustices for the Indigenous Peoples Rights and Welfare," nagsagawa ng pagtatanim ang NCIP kasama ang kasundaluhan at mga konseho ng Barangay Kilalag na pinamumunuan ni Hon. Hejasmine Alcordo, Punong Barangay, bilang parte ng kanilang adbokasiya na "Adopt a Tree."

Sabi ni Atty. Leonor Oralde-Quintayo, Provincial Director, sa kanyang mensahe na "kahit sa simpleng aktibidad na ganito maipakita ng mga taga Davao Occidental ang pagtutulungan at pagpapahalaga sa kalikasan sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap."
Nagpasalamat din si Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, at inanyayahan ang kasundaluhan sa naturang aktibidad.
"Pagtutulungan para sa kinabukasan. Ang mga sundalo na ngayon ay natutong magtanim upang matulungan ang taumbayan. Nawa'y mapanatili ng mamamayan ang kaayusan sa bayan," kanyang sabi.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment