
Ang mga solar lights na ibinigay ay ibinahagi ng Kiwanis Foundation Davao Region upang magkaroon ng kuryente ang nasabing lugar kasabay ng mga tsinelas at mga gamit pangsaka gaya ng sprayer, ibat ibang klase ng butong gulay, piko at pala na siyang gagamitin naman sa gagawing Peoples Organization sa nabanggit na mga sitio.

Ipinahayag ng pinuno ng Sitio Cemento na si William Acquil ang kanyang pasasalamat sa kasundaluhan sa mga ibinigay na mga gamit na siyang nakapagbigay sa kanila ng malaking tulong sa tinatamasang pandemya ngayon.
Bilang tugon, ipinahayag din ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang suporta upang mapabago ang pamumuhay ng komunidad. Kanyang nasabi na "Ang kahirapan ay nasa isipan lamang. Kung kaya, hindi sagot ang pagsama sa mga teroristang NPA na ang alam lamang ay manira ng tahimik na buhay."
Samantala, nagkaroon din ng distribusyon ng tsinelas at libreng gupit sa mga mamamayan ng So. Malusing, Brgy Zone 1, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment