
Tinanggap ni Manuel Masamloc, miyembro ng asosayon ang mga ayuda gaya ng 10 sako ng bigas, 7 kahon ng chick loaf, asukal at kape, 2 box ng noodles, insectisides, tubo para sa Comfort room at mga face mask. Pansin na ang mga binigay ay magagamit ng mamamayan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ibinahagi ni Manuel ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makatanggap ng tulong mula sa programa. "Naglisud kami sa bukid. Mao nga gipasalamatan ko si Cong. Si Pacquiao sa paghatag sa mao nga hinabang tungod kay dako kini nga tabang sa aton labi na ang mga nawad-an sa trabaho tungod sa pandemic," kanyang sabi.
(Hirap na kami sa bundok. Kaya naman nagpapasalamat ako kay Cong. Pacquiao sa pagbigay ng ganitong ayuda sapagkat napakalaking tulong na ito sa amin lalo na sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.)

Nais ding magpasalamat ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, sa pagtulong ng programa sa mga komunidad sa kabundukan.
"Ang insurgensiya sa kabundukan ay mawawala at kapayapaan ay makakamit kung ang mga ahensya ay magtutulungan. Kung kaya, ang Ronda Probinsya Program ay nakatulong ng malaki sa mga mamamayan ng Sarangani Province sa pagpapanatili ng kapayapaan," kanyang sabi.
Layunin ng programang Ronda Probinsya na bigyan ng pangkabuhayan at pagkakataon ang mga sambayanan ng Sarangani na makapagbagong-buhay sa gitna ng pandemya at paglisan ng nanggugulong mga terorista sa kabundukan.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment