
Sa pangunguna ni Brgy. Kagawad Rosita Ablayan kasama ang mga nurse ng Department of Health (DOH) at health workers, 60 na kabataan ang na-immunized at nabigyan ng anti-measles vaccine, 25 na kababaihan ang binigyan ng prenatal check up at 30 na Senior Citizens ang nabigyan ng check up para sa Cardio Vascular Disease (CVD).
Sa panayam na ibinahagi ni Kag. Rosita, kanyang nabanggit na ang ginawang aktibidades ay malaking tulong upang maproteksyonan ang mga mamamayang madaling kapitan ng sakit. "Lalo na ngayon at laganap ang pandemyang COVID-19, ang mga nabenepisyohan ay tiyak na ligtas dito," kanyang dagdag.

Bilang tugon, naisaad naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, "Ang mga kasundaluhan ang tutulong sa mga ahensya ng gobyerno na maihatid ang kanilang mga serbisyo. Ito ay upang salungatin ang propaganda ng mga terroristang NPA na 'kaya kami nandito ay dahil wala kayo dito."
Ang naturang programa ay isang halimbawa ng Whole of Nation Approach na nakasaad sa EO 70 ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kung saan ang pamahalaan, mamamayan at kasundaluhan ay nagsasama-sama upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan at wakasan ang insurgensiya sa bansa.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment