
MALITA, Davao Occidental - Nagtulungan ang komunidad ng Sitio Landig 2, Brgy. Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur at kasundaluhan ng Community Support Program Team ng 73rd Infantry Battalion sa paggagawa ng patubigan sa nasabing lugar nitong araw ng Nobyembre 25, 2020.
Ang patubigan ay natapos sa loob lamang ng isang araw dahil sa pagkukusa ng Lokal na Pamahalaan ng Sta. Cruz, DDS at sa bayanihan na ipinakita ng mamamayan.
Sa pahayag ni Bernie, "Lisud ang pagkuha og tubig labi pa sa usa ka oras nga paglakaw. Mao nga, dili nako mapasabot kung unsa kami malipayon sa natapos kini," madamdamin niyang sabi.
(Mahirap ang mag-igib ng tubig lalo na't umaabot ng mahigit isang oras ang paglalakad. Kaya naman, hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan namin ng natapos ito.)
Ipinarating naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa mamamayan. "Sa pagtutulungan ng mamamayan, kasundaluhan at ng lokal na pamahalaan, natugunan ang isa sa pangunahing pangangailangan sa komunidad. Isa itong magandang halimbawa na ang pagsanib sa kilusan at teroristang NPA ay hindi magbibigay solusyon sa kahirapan," kanyang ibinahagi.
Ang nasabing programa ang isa sa binibigyang-halaga ng pamahalaan sa ilalim ng 12 Clusters na Basic Services upang makatulong sa pagpapaunlad ng komunidad.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment