
Sa pagkukusa ng kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion at pagtutulungan ng mamamayan ng So. Malbag, naitayo ang silid-paaralan na may tirahan ng mga guro. Ito ay pinondohan ng Team Bautista sa halaga ng Php 150,000.00.
Kasama sa mga dumalo ang DepEd, DSWD, mga punong guro sa ibat ibang paaralan ng Malita, ang Punong Barangay at ang kanyang opisyales, at mga kapulisan.

Para sa kaalaman ng nakakarami, ang nasabing sitio ay nasa sampung kilometro ang layo mula sa sentro ng Brgy. Little Baguio na nilalakbay ng mahigit sa kalahating araw mula sa nasabing barangay.
Kung kayat laking pasasalamat ang ipinarating ng punong-guro na si Pamela Glee Dela Cerna sa Team Bautista at sa kasundaluhan. "Ang paaralan na matagal na naming inaasam ay naging posible sa loob lamang ng tatlong buwan dahil sa Team Bautista at sa tulong ng 73rd Infantry Battalion. Ang mga kabataan ay makakaranas na ng maayos na pag-aaral," kanyang sabi.
Sa panayam na ibinahagi naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, kanyang binigyang-diin ang halaga ng EO 70.
"Sa pagpapatupad ng Whole of Nation Approach, ang mga serbisyo ay madaling naihahatid. Ang nasabing lugar ay dating kuta ng teroristang NPA. Ang mga kabataan ay hindi nakapag aral at sila ay na lilinlang ng maling propaganda ng CPP-NPA-NDF. Kung kayat, laking pasasalamat ng mamamayan at nagkaroon ng paaralan sa malayo nilang lugar," kanyang nasabi.
Ang pagsanib ng taong-bayan sa teroristang kilusan ay dahil sa kahirapan at kawalan ng kaalaman. Ang pagpapatayo ng paaralan at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno ang titigil sa laganap na rekrutment sa kanayunan.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment