
Magkasunod na idinaos ang paglunsad at ground breaking ceremony ng nasabing programa. Ang pagpili sa mga mabibenepisyuhan ay dumaan sa pagsusuri at tiniyak na sila ay karapat-dapat na makatanggap ng pabahay.
Magkakaroon ng bayanihan sa naturang programa kung saan magtutulungan ang kasundaluhan, mga nagboluntaryong empleyado ng ibat ibang ahensya at ng komunidad upang mapatayo ang mga bahay.

Sa panayam kay Gov. Claude P Bautista, kanyang binigyang-pansin ang halaga ng mga punong barangay. "Magtinabangay kita aron makuha gikan sa kawad-on ang Davao Occidental. Nahibal-an nimo ang imong mga tawo. Ania ra ako aron pagsuporta kanimo. Suportahi ako sa akong mga programa, suportahan ko usab ikaw," kanyang sabi.
(Magtulungan tayo upang iahon sa kahirapan ang Davao Occidental. Kayo ang nakakakilala ng inyong mamamayan. Nandito lang ako upang sumuporta sa inyo. Suportahan ninyo ako sa mga programa ko, susuportahan ko din kayo)
Nabanggit din ng gobernador na panahon na upang itigil ang karahasan sa kabundukan na siyang nagpapahirap sa mamamayan ng Occidental.
Bilang tugon, nabanggit din ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa butihing Gobernador. "Sa panahon ngayon, ang mga programa ang magpapatatag sa kapayapaan na mayroon ang lugar. Ito ang solusyon sa kahirapan hindi ang pagsanib sa armadong kilusan," matalinghagang-banggit ng pinuno.
Sa susunod na linggo ay sisimulan na din ang Shelter Program sa bayan ng Don Marcelino at Jose Abad Santos upang palawakin ang programa at magsilbing handog para sa mga mamamayan sa darating na pasko.
Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA
No comments:
Post a Comment